Guilt Feelings

HAY. Sa huli, mag-isa ko rin palang haharapin ang mga problema ko. Iba man ang naging desisyon ko sa karamihan, itutuloy ko na 'to. Bahala na si Batman (hindi naman ganoong kakapal ang mukha ko para humingi pa ng pabor sa itaas). Sana lang maging maayos ang lahat. Kung hindi man, sana maging okay 'yung mga importanteng tao sa buhay ko, lalo na si Papa ko. 'Yun lang ang hiling ko. :') Gusto ko mag-sorry sa kanya. Pasaway kasi ako. Pero pagkatapos nito, kung magiging okay 'yung gagawin ko, aayusin ko na 'yung buhay ko. Hindi na ako basta-basta magtitiwala, hindi na ako basta-basta magiging kampante. Hindi naman kasi minamadali 'yun in the first place. Hay. Sana natuto na talaga ako. Ang hirap kasi. AKO 'yung nahihirapan, hindi naman 'yung iba. Lalalala. Ang gulo na naman ng utak ko. Kung anu-ano na naman naiisip ko. Hmm... nagsisisi ba ako? Oo. Magsisisi ba ako? Oo. Ayoko na talaga. Kung papipiliin lang ako, ayoko na. Ayoko na gawin ulit 'yun. Ito. Bakit ba kasi napasok ako sa ganito? Nananahimik naman ako rati. Tahimik naman buhay ko. Mahal naman ako ng mga taong mahal ko. Ano pa bang gusto ko? Ito? Bakit ba ako napasok sa ganito? Bakit ba hinayaan ko ang sarili ko na madala? Minsan talaga nakakagalit lang ako. Kung pwede lang maibalik 'yung nakaraan, hindi ko na sisimulan. Kung iwan ako dahil doon, so what? Basta hindi ko na sisimulan. Eh kaso paano na ngayon? Wishful thinking na lang ang moda ko rito eh. Hay. Basta ayoko na. Kakainis. Kung hindi ko mapipigilan, kailangan ko makaalis sa ganito bago pa maulit. Hirap na hirap na akong magtiwala. Kahit sa kanya. Lalo na nang mangyari 'to. Hirap magtiwala sa mga salita. Comforting, oo. Pero kapag mali, ako rin magbabayad sa lahat. Parang ngayon. Haaaaaaay! Gusto kong mawala at iwan ang lahat. Gusto ko silang iwan lahat. RAR. Pati walang kinalaman nadadamay tuloy. :(( Ewan. Galit ang nararamdaman ko. Hindi ko lang mailabas. Wala naman ako makakausap. Dito na lang. Sasabihin ko lahat nang gusto kong sabihin. Lahat kabwisitan at kamalasan ko sa buhay. May pag-asa pa bang tumino ulit ako? May pag-asa pa bang umayos ang buhay ko? Dahil sa mga kasalanan ko, nahihiya na ako sa Kanya eh. Alam mo 'yun? Dati super close kami. Dami kong blessings na natatanggap. Pero simula 2010, unti-unting nawawala 'yung closeness hanggang sa umabot sa ganito. Tama ata 'yung sinabi ng pinsan ko na rito sa aspect na 'to ako ite-tempt ng kaaway. Foreign kasi sa akin. Wala akong alam. Madaling madala. Haaaaaaay na naman! Sa hard way ko pa natutunan. Tsk tsk. Nagdadasal naman ako palagi. Hinihiling ko naman palagi na makatagpo ako ng close din sa Kanya. 'Yun nga pinakauna sa listahan ko eh. Ewan ko ba kung bakit nagkandaleche-leche. Lol! Nafru-frustrate ako! K! Hahahahaha! :)) Gaga talaga ako noh? Ganito ata talaga when I started compromising ang mga bagay na hindi dapat i-compromise. GUILT feelings. Punung-puno ako nito ngayon. Umaapaw. Malulunod na ata ako. Lalo na kapag nadagdagan sa mga susunod na araw. Hay. Pakamatay na ako. Tengene. >:(

To Do Or Not To Do

Dahil wala naman ako makausap na matino, dito na lang. Hehe. Hopeless and helpless - ito lang naman ang nararamdaman ko ngayon. Di ko alam ang mangyayari sa mga susunod na araw. Sana maganda. Kasi kung hindi, di ko alam kung ano magagawa ko na hindi rin maganda. Ewan ko ba. Kung nakinig lang ako sa mga magulang ko. Kung hindi naging matigas ang ulo ko, eh di sana walang ganito. Hindi ako nahihirapan. Putang ina. Nagsisisi talaga ako sa kagagahan ko. Hahaha. Tawa na lang. Baka hindi na ako makatawa sa mga susunod na araw eh. Bahala na. Bahala na si Batman. Di ko alam kung nakakarating pa kasi sa Kanya mga panalangin ko. Sa dami siguro ng kasalanan ko, naka-pending pa 'yung mga panalangin ko, nasa waiting list pa. LOL. Basta ang alam ko, ayoko pa. Marami akong masasaktan kapag nagkataon. So sana hindi. Sana maganda 'yung mangyari. Magpapakabait na ako talaga. :(
Trust is like virginity. Once it's broken, it can never, ever, be mended.
Kasawa na.
“A wise girl kisses but doesn't love, listens but doesn't believe, and leaves before she is left.” 
― Marilyn Monroe

Galaw galaw

Okaaaay. Damang-dama ko ang pagkapetiks ng buhay ko. Tama na. Aayusin ko na 'to. Habang marami pa akong oras. LOL. Kailangan ko nang ma-plano ang mga lakad at gagawin ko this week. Aja aja. :)) Sunud-sunod na ka-busyhan na 'to sa 3rd week. Woot!

Form 137
NMAT Application Form
Damit
Damit
Damit
Seminar
Practice
Orientation
Latin Honor

Sa huli ako kinakabahan eeeh. Hahaha. Bahala Ka na Lord. :)) Anyway, kailangan ko na rin mag-ipon. Ang dami ko na namang gastusin sa buhay. :))

Just Another Rough Introspection

Okay. Mag-iisip lang ako nang tuluy-tuloy. Siyempre may censored things. Ako lang siyempre makakaintindi. Anyway, for the sake na ma-preserve ko 'tong kabaliwan ko... magba-blog ako. Wooot! Kasi... nitong mga nagdaang araw, madalas akong makaramdam na parang ayaw ko na. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang kinakaayawan ko. Basta kunwari may ginagawa ako o iniisip, biglang papasok sa isip ko 'yung "Ayoko na". Hindi ko naman alam kung ano. Ilang beses ko nang tinatanong ang sarili ko. Hindi ko rin naman masagot. Hindi ko pa masagot. Na-repress ko na naman siguro 'yung sagot. Hay. Masyado sigurong malungkot. Sa katunayan parang nalulungkot nga ako nang hindi ko alam kung bakit. Haha. Baliw na ata ako. Natuluyan na. Bahala na. Lalalalala. :| Tapos nagde-detach na naman ako. Mongha mode na naman. Bakit ba kasi hindi kayang tanggapin kung ano lang ang kaya kong ibigay? Bakit kailangan maging ako 'yung inaasahan na maging ako? Paano kung ganoon lang kaya ko? Naiinis na ako. Baka kaya siguro umaayaw na ako? Bakit puro tanong na naman ako? Haha. Kapagod. Kasawa. Ayoko na. Haha. Sabi ko nga ayoko na. Buti sana kung ako lang 'yung kulang kulang. LOL. What is kulang kulang? Basta 'yon. Puro pwede na. Korni. Wala na bang iba? 'Yun na 'yon? Haha. Ako lang talaga nakakaintindi nitong mga sinasabi ko. Waley na waley eh. Parang hindi talaga ako dapat nasa ganito. Sana pwedeng liparin sa malayo? Oh goshhh. Gusto ko na naman magkaroon ng dissociative fugue. Kahit ilang days lang. May mabago lang. Maiba lang. Haha. Mga dahilan ko eh noh. :)) Ganito siguro kapag hindi nagkakatotoo 'yung mga gusto mo sa buhay noh? Ang dami mong gustong baguhin... palitan... pakawalan. Manghihinayang ba ako? Ako? Ewan ko lang. LOL. Wala na akong maramdaman. Na naman. Hahaha. Imba talaga ako eh. Konting ano lang... balik kaagad sa pagiging bato. Woooh! Heavy. Huwag kasing ganoon. Haha. Para naman akong adik mehn. :)) God, ayokong maging manhid pero ewan. Ayoko kasi ng ganoon. :| Okay. Habang tumatagal nare-realize ko na 'yung mga kinakaayawan ko. Mej mej lang. LOL. Mej mej lang? Pauso. :)) Parang joke kasi 'yan eh. Kapag pinaliwanag mo, hindi na joke. Kailangan ko pa bang sabihin kung anong dapat? Eh dapat nga di ba ano... 'yon. Automatic na 'yun eh. Pero bakit ganoon? Nakakainis. Nakakapagod. Nakakasawa. Ano nga bang nasa isip ko? Peste biglang nawala. :)) Teka... hulihin ko lang... wapak! Siyete otso! Napatay ko 'yung iniisip ko. Wala na. Hahaha. Tapos naalala ko ang dami ko pa rin dapat gawin. Wala akong pahinga? Hay. Buhay ko nga naman oh. Minsan talaga, iiwanan ko ang lahat lahat. Nakakastress. Bukas kaya? Ayoko umuwi kaagad. Haha. Hmmm.. saan kaya magandang maglakad-lakad? :p